buhay at kamatayan
oo, totoo
may buhay ang tao
ngunit sa tuwing pag-iisipan ko ito
laging sumasagi
sa marupok kong isip
na buhay ko'y maikli.
minsan namatay
ang kapatid ng isang kaibigan
at dinala ako
ng aking isip sa pagmumuni-muni.
sa buhay
may saya at lungkot
kung wala ang mga ito
parang hindi kumpleto
pagkat ang mga ito ang nagbibigay
kulay
sa bawat yugto ng pakikiharap
sa bawat umaga
sa ating buhay...
hindi nga maiiwasan ang sakit
at kamatayan
ngunit lagi't laging mayroong
Pag-asa.
Paano?
Saan?
Sa mga tao...
sa bawat taong nasasaktan
at nauuna sa atin
sa kabilang buhay,
sila ang bukal
kung paanong
patuloy na lumalalim
at tumitibay ang haligi
ng ating mga pangarap.
Silang mga naging
kaibigan, kapuwa at
kasama
ang nagbigay
kahulugan sa
bawat baitang
sa hagdan patungo
sa ating mga minimithi.
may roon silang mga
pangarap,
maging pangarap
para sa atin
at inaasahan nila tayo
dapat tayong magpatuloy
para sa iba
para sa kapuwa
magmasid
tumingin
at magpatuloy
upang mamangha
sa hiwaga
ng buhay
na minsa'y nawawala...
na parang isang
makulay at lumilipad
na bula...
... ipagpapatuloy...
0 Comments:
Post a Comment
<< Home